Isyu 4
   Agosto 2016


   APAT NA TULA NI MIKAEL DE LARA CO
   Tala sa Pagsasalin
   Elehiya
   Warrant
   Manikluhod
   Gravedad

   TILDE ACUÑA AT J.G. DIMARANAN

Apat na Tula ni Mikael de Lara Co

Warrant

Karaniwan lang ang mauhaw, hindi nakamamatay. Kapag ang kopita’y nag-iipon ng ulan, napipilitan kang mag-inom hanggang ma-desaparecido ang guniguni. Kung may mga eskirol, trabaho lang, kung may mga alaala ng eskirol na kasapakat ng butihing negosyante, laging may hanging umiihip sa kalawanging aparato sa labas ng bintana mo, wala na nga lang itong silbi sa negosyo at nakatakdang kalasin tulad ng unyon ng mga manggagawa. Sa guniguni, nakagapos at nakaluhod ang magsasaka. Nasa likod ka niya, may pamalong tangan sa isang kamay at pala sa kabila. Hindi makilala ang mga punong nakalupasay, hindi makilala ang putik. Noong kabataan mo nagpapatak ka ng pagkit sa iyong pigsa sa paniniwalang mamumuo ang nana. Nagkamali ka. Di nagtagal nalaman mo ang mga antas ng sakit, natutunang hayaang magpakasasa ang mararahas, walang pangalang kahayukan ng mandaragit mong sarili. Sakmalin ang mga ito ngayon din. Itumba. Sinasabing walang pwersang mas tahasan kaysa gravedad, sinasabing hayop ako, umaalulong kahit walang bayag at pakpak. Sinasabing hindi makukuntento ang mga butong ito sa loob nitong katawan kaya masdan akong walang kalasag, nanginginig, mabangis. Luna de sangre sa itaas at nakaabang na kaskaho sa ibaba, at sa guniguni, lampas sa kulimlim, ang pagkawasak. Kapirasong tapal ng dahong basa ng dugo at tubig ng bombero, isang hilab na warrant mula sa malayo. Ang langit, lango sa pulburang pumurga sa komunismong nagpalaganap ng kagutumang nilunasan natin ng kaunlaran at kaayusan sa daang makatuwirang tadhana ng lahing maka-demokrasya.




War Chant

Because thirst is common. Because once a goblet was left to gather rainwater and you were forced to drink so finally the visions disappeared. Because there are scabs, because there is the memory of scabs, there is always monsoon shrieking through the rusty steel contraption outside your window, useless now and bound to be dismantled. In the dream the man shackled and kneeling. You, behind him with a cudgel in one hand and a shovel in the other. There is nothing familiar about the hunkering trees, nothing familiar about the mud. When you were a child you would drip wax over your boils, believing it hardens the pus. It didn’t. Soon enough you became privy to the gradations of pain, learned to sate the violent, nameless hungers of your predatory self. Devour this now. Fall. Say, no blunter force than gravity, say I am an animal, howling and wingless. Say, these bones can never be content inside this body so watch me shieldless, trembling, feral. Blood moon above and the expectant detritus underneath, and in the dream, beyond the haze, ruins. A patch of wet leaves, a war chant swelling in the distance. A sky, teeming with spears.



« SINUNDANG PAHINA    |    KASUNOD NA PAHINA »