Isyu 4
   Agosto 2016


   APAT NA TULA NI MIKAEL DE LARA CO
   Tala sa Pagsasalin
   Elehiya
   Warrant
   Manikluhod
   Gravedad

   TILDE ACUÑA AT J.G. DIMARANAN

Apat na Tula ni Mikael de Lara Co

Gravedad


Sabihin mo sa akin ang katotohanan.
Sabihin mo ito sa akin nang maayos.
Huwag kang magkakamali.


Mabigat sa balikat itong bagwis.
Napagkakamalang kung ano ang maraming mariposa.
Naipagkakamaling kawalang-tatag ang hindi pagkilos.
Nangyayari ang panahon ng pagbabago.
Paminsan-minsan, pinagbubuhatan ng kamay
ng amihan ang aspalto at nagkukubli
sa silong ang sparrow yunit.
Pero iilan pa rin ang buwang nakakaraos.
Sa look umaawas ang lahat ng tubig nitong lungsod.
Kung ano ang tubig kahapon,
tubig pa rin dapat ngayon pero hindi na.
Tubig ang niyebeng pinabigat ng alaala ng lupa.
Mas marami akong hinihiram kaysa ibinabalik.
Madaling mangumpisal.
Doon sa lingid tayo namamalagi.
Noong panahon ng gera naglibing ang aking lolo
ng suplay ng mga riple sa likod-bahay.
Totoo ito dahil pinag-uusapan sa libingan niya.
Kulang sa detritus ang mundong hayag.
Manipis na alikabot ang totoo
na pumipirmi sa ibabaw ng mga dahon at kumikislap
kapag pinagmamasdan sa isang anggulo.
Di hamak na mas mataas ang ilang puno kaysa iba.
Naiiba itong isang puno
sa nakikita mo sa iyong naudyukang isip.
Gusto kong buksan ang bintana
at hindi isipin ang paglipad.
Nabibigyang-kahulugan minsan ang paglagapak bilang pagkatalo
pero laging nangangahulugan ito ng pagbabalik.
Sana mas maraming nilikhang binigyang-bagwis ng evolucion.
May kaibigan akong naniniwala sa tikbalang.
Noong unang panahon, may isang bahay
at katabi ng bahay ang isang sabsaban
at doon natagpuan
ng lolo ko ang lola ko.
Anak siya ng lalaking
naglilinis ng mga sabsaban, pati ang kay kristo.
Gusto kong isilang sa mga ninunong
tumatangan ng mga espada.
Nagkakaubusan na ngayon ng mga talas.
May dalawa akong kutsilyo. Sabi ng asawa ko
kapareho ko ng amoy ang mga niyog at mga kakanin.
Naniniwala akong ako’y amoy-pulbura.
Minsan, pinapatid mula sa katawan ang braso at hita
at laging pinapatid sa katawan ang kaluluwa.
Maaaring totoo ang kaluluwa. Maaaring hindi.
Siyempre, may sabi-sabing ang kaluluwa’y
tubig na iniingatan sa palanggana ng katawan
at ang pagkalunod ay isang aktibidad
na malupit at kaayaaya.
Napapanaginipan ko minsang nakaturo
ang nguso ng baril sa langit.
Napapanaginipan ko minsan ang mga saranggola
at ako ang lubid na nakagapos sa pulsuhan.
Bunga ang gravedad ng pabigat na masa
na produkto rin mismo ng pagkawasak.
Minsan napapanaginipan ko ang pagbagsak ng demokrasya.
Nagpapasalamat ako sa bawat paggising sa tuwid na daan.




Kneel


Tell me the truth.
Tell it to me beautifully.
Try not to fail.


Wings can only be so heavy.
Moths are mostly misunderstood.
Stasis is sometimes mistaken for fragility.
The weather happens.
From time to time the monsoon
lays its hands on asphalt and sparrows
cower under awnings.
Still there are too few moons to get by.
All water in this city empties into the bay.
What is water yesterday
should be water today but isn’t.
Snow is water lent weight by a memory of ground.
I borrow more things than I give back.
Confession is easy.
It is in the hidden that we persist.
During the war my grandfather buried
a stash of rifles in the backyard.
This is true because spoken over his grave.
There is a lack of detritus in this visible world.
Truth is the film of dust
that settles atop leaves and glistens
when observed from a particular angle.
Some trees are much taller than others.
This tree is different
from the one you see in your mind.
I would like to open a window
and not think of flight.
Plummeting is sometimes construed as failure,
but always it means return.
I wish more creatures had evolved wings.
I had a friend who believed in horses.
Once there was a house
and beside the house was a stable
and that is where my grandfather
met my grandmother.
She was the daughter of the man
who cleaned the stables.
I would like to have been borne
of ancestors who once held swords.
There is today a lack of edges.
I own two knives. My wife tells me
I smell of coconuts and rice cakes.
I believe I smell of gunpowder.
Sometimes limbs are severed from bodies,
and always bodies severed from souls.
Souls may be true. Souls may be not true.
There is of course talk that the soul is water
cradled by the basin of the body
and thus sinking is an act
of both cruelty and grace.
I dream sometimes of muzzles
pointed at the sky.
I dream sometimes of kites
and I am the string tethered to a wrist.
Gravity is a consequence of mass,
which is itself a product of collapse.
I dream sometimes of falling.



« SINUNDANG PAHINA    |