Isyu 4
   Agosto 2016


   APAT NA TULA NI MIKAEL DE LARA CO
   Tala sa Pagsasalin
   Elehiya
   Warrant
   Manikluhod
   Gravedad

   TILDE ACUÑA AT J.G. DIMARANAN

Apat na Tula ni Mikael de Lara Co

Elehiya

Purihin ang maikli’t tahimik
na katapusang nagtutuldok
sa paggawa, ang kandirit ng pangungusap
na kumakalat sa hangin, ang dahong
nahuhulog sa lupa, nagtatanong
Tapos na ba ang barilan? Napatay ninyo ba sila? Kung gayo’y
bakit ayaw mahulog ng mga talukbong ng kanilang piket?
Nanginig ang sanga at sa aking isip,
mas nakatatakot ang mga buhay
pagkat may kaya pang gawin.
May prutas na bumutas sa ilog, lumubog
at ang mga ripleng nagtanim ng bala
ay mga prutas na makalilimutan din,
ang bilang ng nasawi sa tubig ay lulusawin.
Ilang bala ba ang kailangan
para sa isang masaker? Marahil ay isa lang.
Isang sugat ang mag-aanak ng ugat
na tutubuan ng duguang mga binti. Naghihingalo
upang baguhin ang panahon.




Elegy

Praise the brief and quiet
ends of things that punctuate
creation, the lilt of a sentence
dispersing into breeze, a leaf
spiraling to ground, asking,
Is it over? Is that all? Then why
does the canopy refuse to descend?
A bough shivers and I think,
perhaps it is not mortality we fear,
but the solitude it entails.
A fruit punctures a river, sinks,
and as the ripples reach the banks
the fruit becomes mere afterthought,
is rendered casualty to dissolution.
How many seeds does it take
to create a forest? Perhaps only one.
The first. Birthing root and limb
from wound. Dying
to rename the seasons.



« SINUNDANG PAHINA    |    KASUNOD NA PAHINA »