Isyu 3
   Agosto 2014


   DALAWANG TULA
   Dadalawa
   Kung magmumulto ka

   DENNIS ANDREW S. AGUINALDO

Kung magmumulto ka

Mahal, kung magmumulto ka
Maghugas ka man lang ng pinggan

Kilala mo naman ang mga bata
Hindi ko mabitawan

Bunso mo ang nagkalat ng mumo
Kung makatitig iyan sa langgam

Sa halip na daanin sa tsinelas
Ang iyong panganay

Huwag mo nang hipan ang buhok
Mahuna ang platera. Alalay lang.