Isyu 2
   Hunyo 2013


   LIMANG TULA
   Ilang improbisasyon habang
      may buhat na silya

   Pessoa, Pessoa
   Sarili at sarili
   Patay-Malisya
   Seryosong Usapan

   ROSMON TUAZON

Pessoa, Pessoa

                                      Sou somente o lugar
                                      Onde se sente ou pensa.

1 Pessoa, Pessoa

Pessoa, hinahawi mo ang kalituhan ng mga estranghero,

animo’y nakikiraan ka lamang.
Binabati nila ang isa’t isa ng matiwasay na hapon, Pessoa,

Pessoa. Hinahatak mo ang sombrero sa mukha
kapag nakukutuban mong maiipit ka na naman sa gitna—

Akala mo ay maiisahan mo sila, Pessoa.

Akala mo ay lulubayan ka nila.



* Ang epigrap ay mula sa tula ni Pessoa (sa sagisag panulat na Ricardo Reis) na Vivem em nos inumeros.
(Ako lamang ay lunan/ kung saan dinadama o iniisip ang mga bagay-bagay.)


                                   |    KASUNOD NA PAHINA »