Isyu 2
   Hunyo 2013


   MULA SA GAGAYYEM
   Sapagkat sa tuldok na ito
      magsisimula
   siyang tuyong dahon sa ibabaw
      ng malagong damo

   Alitaptap

   DENNIS ANDREW S. AGUINALDO

Sapagkat sa tuldok na ito magsisimula

Sapagkat sa tuldok na ito magsisimula ang ating kuwento
Maliit
sa likod ng mga bundok na nakapaligid
                      bayang dati’y walang masabi
kung ikukumpara
sa mga naglalaparang lupain at mga pulo

o sa mga librong aking binabasa,
O sa halimuyak ng sandamakmak na sampagita,
sa silakbo ng damdamin
Na binibigyang kulay        sa dagat

Isang mahirap na salita
Na tahol ng aso at huni ng ibon lamang ang naririnig
tumango na lamang sa kautusan
Upang matigil na ang usapan.



Kasama sina: Yasmin Alysa F. Tamayo, Kim Wilmer M. Balagot,
Richard Q. Endaya, Maria Kathleen Paguio,
Jumille Anne F. Gamis, Neil Clark V. Abelido


[Ang Gagayyem ay mga tulang pinagtagni-tagni mula sa 59 obra at isang excuse slip ng mga estudyanteng UPLB na tumugon, kamakailan, sa kamatayan nina Ray Bernard Peñaranda, Given Grace Cebanico, at Rochel “Cesil” Geronda.]