Mga Talâ at Tanong sa (di-buong) Pag-aagham-tao



KUNG MAG-UUSAP SA TEORYA

[06] Paano ituturo ang teorya? Ang mas dagliang layunin ay harapin ang kakatwang sitwasyon na mapapansin ng isang nagtuturo ng kursong teorya sa antropolohiya. Ang istruktura ng kadalasang silabus sa kurso ay ang paglilista ng mga tauhang-teorista, sa seryeng pangkasaysayan, at isa-isang pagkokomento sa kanilang positibo at negatibong kontribusyon sa pagsulong ng disiplina (na hindi binibigyang-diin ang pook-pangkalinangan at -panlipunan): minsan ang paghahati ay sa kategorya ng mga schools of thought: halimbawa, listahan ng mga tauhan ng Functionalism, Structuralism, Marxism, Post-structuralism, atbp., sa kronolohikal na linya (halimbawa, mula dekada-60 hanggang kasalukuyan).10

[07] Naging luma (at luma=mali) dahil sa serye. Tila problematiko ang ganitong pedagogy dahil:

(1) Hindi pinoproblema (pinapabayaan na lang) ang pagka-unilinear (isahang linya) ng pagsasakasaysayan ng teorya. Maaaring iba ang makikitang serye11 depende sa pipiliing pook-pangkasaysayan. Magbabago rin ang lilikhaing serye depende sa pilosopikal na tindig o sub-disiplina ng nagsasalaysay: halimbawa, lilitaw ang iba pang mga aktor-teorista kung ang bibigyang-diin ay ang konseptong ‘ebolusyon’ kaysa sa ‘istrukturang panlipunan’ (sa tradisyong-Durkheim): magiging footnote na lang siguro si Pierre Bourdieu kina Richard Boyd at Peter J. Richerson12 sa isang antropolohistang may biyolohikal/eko-ebolusyunaryo na kiling. (Sa isang random na paraan, kumuha ng dalawang antropolohikal na artikulo, suriin ang kanilang mga bibliograpiya: ang digri ng mga pinagsasaluhang mga akda/autor ay nagpapakita kung saang konstelasyon sila umiikot. Magkakaibang konstelasyon at pinag-uugatang serye sina Bourdieu at Boyd-at-Richerson.)

(2) Tila ang implisitong ideya ng serye (o ang naiiwang impresyon sa mga istudyante) ay: na-refute na ng sumusunod na eskwela ang mga maaagang eskwela. Kaya maririnig (kahit walang ibang argumento kundi ang simpleng pagkaluma nito) ang ganitong komento: ‘di ba passé na si Leslie White, postmodern na ngayon, post-post- pa nga.’ (Maisiksik lang: may mga respetadong antropolohista pa rin—kahit sa kasalukuyan—na naniniwalang nasa tamang direksiyon si Leslie White kung ang interes ay sa konseptwalisasyong ebolusyonaryo at pagtiteoryang ekolohikal.13

[08] Pag-iipon ng makikinis na holen. Kung hindi naman kronolohikal ang presentasyon, may peligro ring mahuhulog sa pag-iipon ng paboritong konseptwal na mga holen ang propesor: mga piling readings na iisa-isahing komentohan, na walang ibang pagbabatayan ng pagpili kundi: (1) pagiging pamilyar na sa mga tatalakaying teksto, (2) personal na interes, (3) maiinit na topiko sa Euro-Amerikanong konteksto. Sa ganitong moda ng pagtatalakay, lulundag-lundag ang diskurso sa iba’t ibang topiko depende sa direksiyon ng binabasang autor. Sa huli, nag-aanyong aparatus ang buong klase upang magpraktis kung paano mangalap (doon sa malalayong uniberso) ng mga panggulat-na-konsepto (kahit man lang sa mga estudyante): halimbawa, liminality, habitus, agency-structure, différance: na ang dami (ng bokabularyo) at tatag (ng pagkaunawa) ay depende sa sigasig ng instruktor at mag-aaral. Sabagay, pwede ring ikatwiran: ‘mahirap mangalap dito sa malapit, dahop sa talagang mapanghamong konsepto.’ Ngunit tanong nga kung bakit naging pobre ang lugar, kung totoo man.

[09] Lohika ng serye: Mahabang debate tungkol sa ‘pagpapakahulugan’ at ‘pagpapaliwanag.’ Maaaring sabihin na ang debateng Hempel-Gray ay ulit lang ng magkakaibang tanong nina Vico (diin sa pagka-non-quantifiable ng pag-aaral ng tao) at Montesquieu (diin sa laws).

[Montesquieu] Laws, in their most general signification, are the necessary relations arising from the nature of things. In this sense all beings have their laws: the Deity His laws, the material world its laws, the intelligences superior to man their laws, the beasts their laws, man his laws; [at, dagdag niya,] laws are the relations subsisting between it and different beings, and the relations of these to one another. [Montesquieu, akin ang diin.]

[Tungkol kay Vico] Vico consciously develops his notion of scienza (science or knowledge) in opposition to the then dominant philosophy of Descartes with its emphasis on clear and distinct ideas, the most simple elements of thought from which all knowledge, the Cartesians held, could be derived a priori by way of deductive rules. As Vico had already argued, one consequence and drawback of this hypothetico-deductive method is that it renders phenomena which cannot be expressed logically or mathematically as illusions of one sort or another. This applies not only most obviously to the data of sense and psychological experience, but also to the non-quantifiable evidence that makes up the human sciences. Drawing on the verum factum principle first described in De Antiquissima, Vico argues against Cartesian philosophy that full knowledge of any thing involves discovering how it came to be what it is as a product of human action and the “principal property” of human beings, viz., “of being social” (“Idea of the Work,” §2, p.3). The reduction of all facts to the ostensibly paradigmatic form of mathematical knowledge is a form of “conceit,” Vico maintains, which arises from the fact that “man makes himself the measure of all things” (Element I, §120, p.60) and that “whenever men can form no idea of distant and unknown things, they judge them by what is familiar and at hand” (Element II, §122, p.60). (Akin ang diin.)14

(9.1) Kakaibang serye 1. Ganito ang serye mula Giambattista Vico [Italyano, 1668-1744], W Dilthey [Aleman, 1833-1911], Paul Riceour [Pranses, 1970, saling Ingles ng isang akda], C Geertz [Amerikano, 1973], M Rosaldo [Amerikano, 1980].

[Tungkol kay M Rosaldo] My notion of “interpretation” comes most directly from Clifford Geertz, who describes his interests as “hermeneutic,” thereby suggesting connections with a tradition of humanistic investigation stemming from Vico and Dilthey and rooted in the assumption that social sciences are, by virtue of the articulate nature of their human subjects, different in kind from those sciences that explore the natural world. (M Rosaldo, Knowledge and Passion [Akin ang diin.])15

(9.2) Kakaibang serye 2. Ikontrast ito sa seryeng Charles-Louis de Secondat, baron de La Brède et de Montesquieu [Pranses, 1689-1755], E Durkheim [Pranses, 1858-1917], A Radcliffe-Brown [Briton, 1881-1955], Fay Cooper-Cole [Amerikano, 1881-1961], at Robert Redfield [Amerikano, 1897-1958], Fred Eggan [Amerikano, 1930s], at EA Manuel [Pinoy] (na ang magnum opus na Manuvu Social Organization, na inalay kay Fred Eggan, ay halos kaparehong pamagat ng opus rin ni Eggan, Social Organization of the Western Pueblos).

[Tungkol kay F Eggan] Eggan is credited with having achieved a synthesis between the British and American schools of anthropological study. The British school, as exemplified by Eggan’s first mentor A. R. Radcliffe-Brown, was then dominated by the synchronic analysis of the function of cultural institutions. In contrast, American anthropologists, including Eggan’s teachers Fay-Cooper Cole and Robert Redfield, focused on processes of diachronic culture change. Eggan united these two perspectives by attending to both structure and history using a method of analysis he called “controlled comparison.” Based on results achieved by this method, Eggan’s most important publication, Social Organization of the Western Pueblos, hypothesized that variations in the social structures of linguistically and culturally related Native American groups were the result of the varied historical circumstances experienced by each group. By applying this same method in his later work on the impact of modernity and Western culture on indigenous Philippine groups, Eggan formulated an inverse corollary: that differing social structures cause different linguistic and cultural groups to respond differently to the same historical circumstances. These insights concerning the interdependence of social structures and historical processes remain at the forefront of contemporary anthropological theory.

When Eggan enrolled as a graduate student in 1930, the Department of Anthropology had just become independent from the Department of Sociology, with Fay-Cooper Cole, Edward Sapir, and Robert Redfield as the core faculty. Sapir soon left the department and was replaced by A. R. Radcliffe-Brown in 1931. Eggan became Radcliffe-Brown’s first research assistant in 1931-1932 and began research on kinship and social organization of northern Native American tribes. Under Radcliffe-Brown, Eggan completed a report on the southeast, plains and southwestern tribes. (Akin ang diin.)16

[10] Weltanschauung. Ang teorya ay nagpapakita rin bilang pananaw-pandaigdig. Dadalhin tayo sa pinakamataas na lebel ng abstraksyon: dialectics ni Hegel at dialectical materialism ng Marxismo17; universal Darwinism ng ultra-Darwinismo18 ni Richard Dawkins; ang pananaw ni Jacques Monod sa Chance and Necessity19; ang seksiyong ‘Nibel ng Meron’ ni EF Schumacher20 (na inindorso rin ni Ferriols sa kanyang Pambungad sa Metapisika21). Ang pagkakomprehensibo ng saklaw ng pananaw ng mga nabanggit sa itaas ay makikita sa halos pagkapareho ng saklaw nito sa mga relihiyosong pananaw.

[11] Mahalaga (at mahirap) ang pagbigkas ng mga tanong.22 Bilang pagtatangkang pedagogical, iminumungkahi ng papel ang pagkakaroon ng tematiko (di-kronolohikal) o batay-sa-tanong na porma ng presentasyon sa pag-aaral ng teorya. Ang kaayusang lilikhain ay ayon sa mga pipiliing tema na may kakabit na mga katanungan: ang mga ito ang iikutang larangan sa pagpipili ng mga punto o ng mga konseptong magpapakita sa mag-aaral ng iba’t ibang pagtatangkang teoretikal bilang pagsagot sa mga tanong at pagtugon sa mga tema na tayo rin ang nagtatakda batay sa praktikal na pangangailangan. Mas mahalaga, matapos bigyang-puwang ang mga pinakamatatalas na konseptong napalitaw ng Kanluran, na may kaugnayan sa nabuksang tema/tanong, magbubuhos-panahon ang klase ng teorya na tangkaing magteorya mismo: ibig sabihin, ipapakita sa klase na nililikha talaga ang mga teorya at di lang pagbabasa at pagsasalo ng mga galing sa iba: dahil wala itong ibang layon kundi ang paglikha ng mga sagot, haka, at mga kaparaanan ng paglapit o pagtingin sa mga bagay-bagay sa loob ng binuksang tema o tanong. Minsan, ang pagbubukas din mismo ng bagong tema o tanong ang magiging anyo ng pagtiteorya.


10 Halimbawa: Sherry B. Ortner (1984), Theory in anthropology since the sixties, sa Culture/Power/History: A reader in contemporary social theory, inedit nina NB Dirks, G Eley, at S Ortner (Princeton: Princeton University Press, 1994), mp. 372-411.
11 Ang iba’t ibang presentasyon sa pagsasakasaysayan ng Euro-Amerikanong antropolohiya, kasama ang konsepto ng historikal na serye, ay mahalagang natalakay sa: Alan Barnard (2004), History and theory in anthropology (Cambridge: Cambridge University Press).
12 Tingnan ang kanila at ibang katulad na mga istilo-ng-pag-aaral sa: EA Smith at B Winterhalder (mga pat.) (1992), Evolutionary ecology and human behavior (New York: Aldine De Gruyter). Tingnan din ang isang kahanga-hangang pag-aaral na naglalayong gawan ng sintesis ang mga konsepto nina Bourdieu, Veblen, at Darwin sa loob ng tinatawag na signaling theory sa: RB Bird at EA Smith, Signaling theory, strategic interaction, and symbolic capital, Current Anthropology, Tomo 46, Blg. 2 (Abril 2005), mp. 221-248.
13 Tingnan: Cultural evolution: Contemporary viewpoints, inedit nina GM Feinman at L Manzanilla (New York: Kluwer).
14 Tingnan sa entri kay Vico ng: [http://plato.stanford.edu/entries/vico/].
15 Michelle Z. Rosaldo (1980), Knowledge and passion: Ilongot notions of self and social life (Cambridge: Cambridge University Press), p. 259 (footnote 9).
16 Tingnan sa [http://ead.lib.uchicago.edu], Guide to the Fred Eggan papers 1870-1991.
17 Tingnan ang updating at upgrading nito sa: Slavoj Žižek (2007), The parallax view (Cambridge: The MIT Press).
18 Richard Dawkins (1998), Universal Darwinism, sa The philosophy of biology, inedit nina DL Hull at M Ruse (Oxford: Oxford University Press).
19 Jacques Monod (1971), Chance and necessity: An essay on the natural philosophy of modern biology (New York: Vintage Books).
20 At ang buong pananaw na nasa kanyang pilosopikal na akda: E. F. Schumacher (1977), A guide for the perplexed (New York: Perennial Library). Ang levels of being (iniisip na may mga ontolohikal na lundag ang bawat nibel) ay nasa kab. 2.
21 Nasa: Ferriols, Pambungad, mp. 135-146.
22 Ang epekto ng ‘pragmatiks ng tanong’ sa ibang konteksto ay makikita sa: MJ Paluga (2000), Ang pragmatiks ng tanong at ang pagtatakda sa hangganan at uri ng pagtanaw/pagtitig, binasang papel sa 1st Talastasan sa Bagong Kasaysayan, Bulwagang Recto, Faculty Center, CSSP, University of the Philippines, Diliman, 29 Agosto.



« SINUNDANG PAHINA    |    KASUNOD NA PAHINA »